Friday, November 2, 2007

Tula ng Aking Mga Tula

Salitang tagpi-tagpi
patung-patong at sari-sari
kataga'y tila tinahi
pinipilit kahit nakakarindi

Tula ng puso
yan ay laging uso
hindi man masabi ng bibig
o kaya'y masaliwan ng himig

Tula ng ngitngit
nagsusumigaw na tinig
pero nananatiling tahimik
kunwari'y hindi umiimik

Tula ng luha
nabubuo sa dusa at aba
kahit pa papel ay mabasa
panulat, sumusulat ng kusa

Tula ng halakhakan
minsan nakikiisa ang kalangitan
pero sa lahat ng aking likha
pinakawalang kwenta ay sila

Sa pag-ibig, poot, saya o luha
tula, laman ay aking diwa
sana lang pagpasensyahan na
ganyan lang talaga ako manula

No comments: