Thursday, December 6, 2007

A Little Late

Matagal ng tapos ang naganap sa Manila Pen na tila mas exciting na replay ng nangyari sa Oakwood. Replay na naging mas exciting sa live. Kakaiba talaga. Buti di ako pumasok nun.

Pero tulad na lang ng replay, hindi ako natuwa sa ginawang iyon ni Trillanes. At magpapasalamat lang ako sa kanya. Salamat, Trillanes. This country's downfall just got a bit closer. Just wait. In your cell.

Isang malaking palya ang ginawa ni Trillanes. Magkagayon man, ano naman kung magtagumpay siya? Wala namang maiiba.

It failed to inspire the people. Though it is a fact that many Filipinos want PGMA out of the office, what will the masses achieve? Papalitan lang sya ng mga taong katulad ng mga nagpatalsik kay Erap noon.

Trillanes's call for a movement wouldn't succeed because the people are tired. Ayaw ng mga tao na mangailangan pang kalabitin ang gatilyo. Ang mikropono ng mga tao ay lawit na ang dila. Sawang sawa na sila sa paikot-ikot na lang na takbo ng pulitika. Ayaw na nilang magpagamit pa dahil alam nilang mapa-oposisyon man o administrasyon, parehong may mga gahaman at makakapal ang mukha.

Hindi kasi sumasapat ang sipain lang sa pwesto ang pinuno at siya'y palitan. Nararapat din na magkaroon ng pangkalahatang pagbabago. Kung matatanggal ang nakaupo ngayon at makakasuhan, dapat ding ikulong ang mga pinuno ng oposisyon dahil maging sila ay mga dungis.

Ayaw na kasi ng masa ng dugo o ng pawis o maging ng laway. Tuyot na kasi ang mga panahong iyon. Hindi pa ba sapat na ang pangalan ng EDSA ay naabuso na? Do we really have to wait for a war to break out before we know what really the problem is?

If your considering that the root of the problem is the one at Malacanang, then you're way off. That woman, or whoever, is sitted at Malacanang is just one of the many fruits of the true cause. At habang wala tayong ibang inatupag kundi ang banatan ang bunga, hindi natin napapansin na ang ibang prutas ay nakapaglaglag na ng kanilang mga buto sa lupa upang lumikha ng mga panibagong problema.

Sana lang ay wag tayo mawalan ng pag-asa. Marami pang bukas at ang manalangin lang sa Diyos ay hindi kailanman sasapat upang mailigtas tayo.

No comments: