Biyernes:
Nagkaroon ng maliit na pagsasama-sama ng buong tropa sa Bliss. Kumpleto lahat. Si Nyoy, si DJ, si Tony, si John Lloyd, si Aidz, si Franz, si Jaric, si Christian, si Moe, si Red, at pati na rin si John Dee na kapatid ni John Lloyd. Papunta pa lang kami sa "bahay" ay naghahagikgikan na kami. Apat na pizza ang in-order sa pangalan ni Mr. Tayap Santos. Naging walo dahil sa palm card ni Franz.
Wala kaming ginawa kundi mag-PS2, kumain, manood, at magkuwentuhan. Kasama na dun siyempre yung tawanan. Sa sobrang saya, muntik nang hindi mag-uwian. Haha.
Unang beses ko ding uminom ng Red Horse. Pag-uwi ko nga parang sinusunog yung mukha ko e.
Sabado:
I was really looking forward to this day. Swimming sa UP Arcade. Hindi 'siya' lumangoy. Pagkatapos ng klase, nagkayayaan na mag-Jollibee sa Philcoa. Kaso traffic sa u-turn kaya naisipang mag-SM na lang. Pero sa kadahilanang di ko alam, sa Trinoma kami napadpad.
Mabilis kong naubos ang aking pagkain. Sabi nga ni Jaric, "Huling kain mo na ba 'yan?" Di ko nga rin alam kung bakit ako nagmamadali nun e.
Ang isa pang nakakapagtaka, sunod-sunod ang pagbagsak ng mga kagamitan sa paligid. Parang 'yung buong staff ng Jollibee ay clumsy sa araw na iyon.
Nung matapos kaming kumain, nagkakwentuhan na ng biglang sinabi niya, "May boyfriend na nga pala akong bago." Patay. Tinamaan ng magaling.
Wala ng laman ang listahan. Ayoko na muna magdagdag.
Lesson: Pag tumawa ng isang buong gabi, asahan may malas kinabukasan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment