Monday, September 10, 2007

Ito na naman ako

Ako'y humihiling
nagmamakaawa, nagsusumamo
sa kahit sino
na makakabasa nito
makakasaksi sa patak ng luha
makakarinig sa bawat, lahat ng hiyaw
makakagapos sa poot ng isip
makakadama sa lagay ng puso

Ipagkaloob sana ang hiling
ang inaasam, hinahanap
sa kahit anong paraan
hindi kailangan
ang sa alam, palagay
iniisip mo na problema
dahil sa simula
tanto na ang sakit, ugat ng hirap

Kailanga'y gamot, solusyon
hindi nais ang payo
na baka sakali lang
isang maling hinuha, patay
tapos ang lahat ng nasimulan, mawawala
mabuti nga kung madali, sa isang iglap
maglalaho kasama ang galos, sugat, latay, pilat
ngunit hihirap munang mabuti bago maging sa kawalan

No comments: