Sunday, June 24, 2007

Hindi Ako Ok

Madalas nating tanong sa mga kaibigan natin ang "ok ka lang?". Madalas ding sagot sa tanong na ito ang "oo, ok lang ako." Hindi ba't nakakapagtaka?

Nakakapagtaka dahil bihira kong matanggap ang sagot na hindi kapag ako ang nagtanong kung ok lang sila kahit halata naman sa ikinikilos nila na wala sila sa mood. Hindi ba dapat bilang isang kaibigan, dapat silang magtiwala na kaya ng kanilang mga tinuturing na kaibigan na pagaangin ang kanilang nararamdaman. Hindi ba kaya nga sila naging mga kaibigan ay dahil kaya ka nilang paligayahin.

Nakakapagtaka din naman kung bakit pa tayo nagtatanong kung ok ang isang tao pero kapag hindi naman ang isinagot nila ay wala tayong ibang ginawa kundi ang layuan sila. Hindi ba't dahil nga mga kaibigan nila tayo, obligasyon nating pagaangin ang kanilang mga nadarama sabihin man nila o hindi ang dahilan ng kanilang lungkot. Hindi naman siguro nila tayo magiging kaibigan kung hindi natin kayang gawin iyon.

Kaya mabuti pang wag ng magtanong ng "Ok ka lang?" o kaya naman ay imbes na sumagot ng oo o hindi ay ibalik ang tanong sa kanila ng ganito, "kung hindi ba ang isasagot ko, gagawa ka ba ng paraan?"

No comments: