Tuesday, April 15, 2008

WALA lang

Narito ako't dumapa,
nag-iisip ng salita,
nagmumuni sa kama,
upang bumuo sa wala.

Narito ako't umupo,
humahanap ng kataga,
napapakamot sa ulo
upang makabuo mula sa wala

Itongayo't humilata,
balik-aral sa wika
dahil tila nangangapa
na makalikha sa wala

Ako'y di mapakali
sa ginagawa'y nawiwili.
Isa kasing hamong maituturing
ang magka-obra mula sa wala

No comments: