Tumutugtog kasi ang 'Anna ni Isshoni Datta no ni.' Nakakita ako ng English transliteration. Ayos.
'We were so close together, but the twilight has a different color now.'
Tahimik ang binata sa harap ng monitor. Panay ang kanyang click pero panay din naman ang tingin niya sa listahan ng mga onlayn sa kanyang instant messenger. Tapos magliliwanag ang kanyang mukha. Nandyan na kasi ang paborito niyang kakuwentuhan. Double-click agad. 'Psst! Hehe.' 'Psst ka din.' 'Yes, sumagot!'
'The abundance of kindness only keeps a distance between us.'
Matagal na silang nagkukwentuhan lagi. Laging nag-uusap sa kung anu-ano. Tungkol sa kani-kanilang mga buhay, mga plano, at sa mga kanilang kasalukuyang karanasan. Nagsimula ang lahat sa simpleng 'Kaklase kita?!' Hanggang sa madalas na silang magkasama. Lumalim pero hanggang sa hangganan na lang ng pagkakaibigan.
'Our coldly ignored hearts are wandering in the midst.'
Hindi na lang pinansin ang mga nadarama. Hindi na kasi pwede. Sinubukan niya ng umamin. Mali. Umamin na siya pero nagbulagbulagan na lang sila. Wag lang masira ang naging pagkakaibigang matibay na.
'If this awkwardness is what it's like to live,'
Sa ginawang pag-amin, may nailang. Nagkaiwasan. Para di na masaktan pa syang lalo, lumayo ang isa sa isa. Ang pagkakaibigan kaya'y naroon pa?
'we shall close our eyes under the cold sky.'
Ipikit ang mata. Yan na lang ang ginawa. Maging bulag. Sa malamig at madilim na kalungkutan. Pagkakaibigan ay naisalba ngunit ang sugat ay lumalim kaya o mawala?
*Ang quoted lines po in english ay transliteration ng chorus ng Anna ni Isshoni Datta no ni ng See-Saw. Ang awit ay theme ng Gundam Seed.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment