Friday, May 25, 2007

Aym Bak!! Part 1

Makalipas ang halos pitong araw, isang libing, maraming bisaya, lalong maraming mga salitang bisaya, sandamakmak na kamag-anak, at sandamukal na beses na pagkakaumpog, AYM BAK!!

It really didn't hurt staying away from the city for about a week. I spent lots of time thinking, searching, just lying down or sitting down, keeping quiet, and other stuff. Let's have the first part dedicated to thinking and some other stuff.

So much for a fun stay. It was quite ordinary. And yes, definitely I spent a lot of time thinking. For words to put on the board. For goodness' sake. Umaga, tanghali, gabi. Wala kaming ginawa kundi maglaro ng Scrabble. E bakit ba? E sa naisaksak ko yung tv na 110v sa 220v na outlet dahil sabi ni Papang diretso lang daw yun e. At sa di ko tinignan yung boltahe nya. Sorry! Kaya wala ng tv dun ngayon.

Anyway, ang malupit pa puro bisaya pa yung kalaro ko. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi! Di ko nga alam na ako na pala ang kausap nila e.

Wala akong ibang marinig kundi gihapon, kaayo, at kung anu-ano pa. Natuto ako ng ilang mga salita pero hindi pa masyado. Ngayon ko nga lang natutunan na sadyang ganun pala ang pagpronounce ng mga bisaya sa ilang salita.

Halimbawa ang coin. Putek ang sabi nung babae kowen. Takte sa isip ko anong kowen? Pagkalapag nung tira, napanganga na lang ako. Muntik na kong humalakhak katulad nung naging halakhak ko nung makita ko yung ex ni Maot (panget). Buti na lang talaga napigilan ko. Tapos, nagtuturo yung isa pang bisaya, owil daw. Takte. Mababaliw ako sa kanila.

Pero, hindi lang naman pag-iiscrabble ang ginawa ko. Minsan pinanonood ko lang yung langit sa gabi. Ang sarap kasing tingnan pag walang mga konkretong nakaharang sa paligid.

FYI, ang ibig sabihin nga pala ng salitang 'libang' sa bisaya ay tae. Kaya next time, wag nyong sasabihin sa isang bisaya na 'Tara maglibang-libang naman tayo.'

Well, yan muna for now. Nga pala, mahigit isang linggo din akong walang selpown kaya sa mga kaibigan kong nais akong makontak, landlayn lang ang pwede. Itanong nyo na lang kay Bonyang ang aking landlayn.

No comments: