... ... ... ...
Yan lang ang nasabi ko.
Tulad ng dati o ng kadalasang nangyayari, tama na naman ang ekspektasyon ko. Sa malas ko lang siguro, ang mga ekspektasyong iyon ay hindi naman iyong mga tipong sumasang-ayon sa akin dahil nakasanayan ko ng asahang maganap ang pinakanegatibo o/at ang pinaka-di-pabor sa aking mga gusto. It hurts to predict(or analyze maybe a more appropriate word) a future and find out you're right.
I've predicted that me and my ex-girlfriend will eventually break-up. I've predicted that someone I liked will have a different boyfriend even though I know she likes me too. Pero kahit pa may nagagawa akong tulad nito, matinding sakit pa rin ang nararamdaman ko bagama't hindi niyo na kailanman siguro ako makikitang umiyak.
Hindi dahil sa manhid na ko o/at bato na ang puso ko. Hindi rin dahil sa masyadong masaya ang naging buhay ko hanggang sa kasalukuyan. It's just that I don't know how to shed a tear anymore. Kahit nga ang mga paghikbi ay matagal ko ng nalimutan kung paano.
Sa katunayan, bago ko isulat ito, pinipilit kong umiyak. Kahit hikbi walang lumabas. Ni isang patak ng luha walang nahulog. Nabasa lang ang mga mata ko. Humahagikgik lang ako. Oo, humahagikgik ako. Ang mga dating ngawa ko ay pinalitan na ng mga mahihinang hagikgik. Hindi ko alam kung bakit.
Mga dalawang taon na ang nakalipas ng magsimula ito. Di ko alam kung saan. Di ko alam kung bakit. Di ko alam kung ano. Di ko na lang ilalagay. Para konti lang kayong makaalam. Para konti lang kayong mag-iisip na maaaring baliw na ko.
Di ko naman tinatanggi yun. Malaki rin kasi ang posibilidad na mas baliw pa ko sa inaasahan niyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment