Malupet ang martes na to.
Started the day at 4:30 am.
Had a class by 7 na muntik ko ng tulugan na naman kung hindi lang siya nagcheck ng class list.
Kumain ng whatchamacallit na nabibili sa math for PhP16 na sa pagkakaalam ko ay biskwit na kinaadikan ko na. Ang sarap nya putek. Tapos sasabayan ng nakakalasing daw sakin na taho. Sarap na recess. Sana may ganito nung elementary.
Klaseng malupet na naman by 10. Pero ok lang. Nadaan naman siya sa pamamagitan ng pagtapos sa isang libro ni bob ong. Dahil kay bob ong, nagmukha akong tanga na naman.
Nagpaka-"dakila" sa Halalan from 10 to until around 3. Free lunch naman kaya ayos.
Nagklase mula alas tres hanggang alas kuwatro upang matuto ng kalokohan tulad ng .... Wag na. Korni e.
Bumalik sa Halalan para mangamusta at makiinom ng juice at manood ng mga chicks na bumoboto. Though mas marami nung 10-3. Binigay din sakin ang isang "gift." Dahil dun natiyak na ang panalo nung kandidato, este, dumating na yung pinanalo ko dun sa palaro.
Pinagsauli at nagpasauli ng camera. Nahingan pa ng tsokolate. Nalagay pa tuloy sa alanganin yung crunch(tm).
Umuwi sa bahay. Nagbihis. Tumae. Nagbihis. Umalis. Kumain sa labas. Umuwi. Muntik pa mataga ng taxi. Nagbihis. At nag-. . .
. . .edit ng MP. Buti na lang talaga tapos na. Salamat na rin for my sponsor VBA for my gaming needs lalo na sa Onimusha Tactics na pinagdidiskitahan ngayon. May latest version na nga pala ang pinakamamahal naming VBA at available sya dito: hanapin mo sa google. Kung di mo alam ang VBA, aba hanapin mo na lang din sa google. Pinulot ko lang to.
Umidlip. May gumising para magtanong ng "differentiate call-by-reference with call-by-value." Tae talaga. Tae. Isang malupit-lupit at matigas-tigas na tubol.
At eto nga wala pang balak tapusin ang martes kahit miyerkules na. Sana umalpas na ang Marso ng walang sigwang humahadlang. Sana, sana. Tinatamad na ko e.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment