Thursday, March 29, 2007

ebawS

Swabe ang mga huling araw ng Marso, lalo na ang mula ika-18 hanggang sa ika-29.

Swabe ang 18, 19, at 21 dahil sa pare-parehong dahilan, nakakita ako ng isang mamaw , ayon sa depinisyon ng KayoKasiEh, sa bawat araw na nabanggit. Yung sa 18, nakabestidang bughaw. Yung sa 19, nakapulang dress at may kapartner pa. Yung sa 21, nabulagan ako at inakala ko pang isang babae. Tae.

Swabe ang 23 dahil kinagabihan (6-8pm) may exam ng CS32. Pero di pa sya dyan nagtatapos.

Mas malupit sa pagka-swabe ang 24 dahil 3rd long ng Physics 72 ng alas-siyete hanggang alas-nuwebe at ng aking nanenelikadong Math55 isang oras pagkatapos ng Physics. Buti na lang napagulong ako sa katatawa ng aking mga kagrupo. Napa-english ng walang dahilan. Nag-LSS pag biglang nanahimik ang paligid. Natanong din ng "Nakaranas ka na ba ng identity crisis?" out of nowhere.

Swabe ang 26 kasi sabay ang Finals ng Physics72 at ng hinayupak na paksyet na Math55. Pagkauwi ko pa, imbes na makapagpahinga pinasend sa'kin ang slides ng ES10 na hindi naman dapat inaaral dahil uno naman ang standing ng karamihan.

Swabe ang 27 dahil tulad ng inaasahan 30 mins. lang ang finals ng ES10 di ko nga lang sigurado kung tama ang pinagsususulat ko dun.

Swabe ang 28 kasi natapos din sa wakas ang finals ng CS32. Miraculously, hindi ako bangag. Sana nga lang maging epektibo ang deduction ko. Tapos nun, gumawa pa kami ng bangka. With this, I would like to thank our sponsors- Toy Kingdom, National Bookstore, at syempre ang Bahay ni , for WHATEVER NEED you have.

Swabe ang 29 dahil pasado ala-una na ng madaling araw di pa ko umuuwi at gumagawa pa kami ng bangka. At natuklasan kong madalang na pala ang bus na paBaclaran pag ala-una y medya na ng madaling araw. Sa awa naman ng Diyos, nakauwi naman ako ng buhay at buo pa.

At kung hanggang ngayon ay di mo pa nagegets kung bakit "ebawS" ang title nito, swabe ka. Ang slow mo.

No comments: